Tuesday, August 3

Heinakuh

Heinakuh




Hummin': Stuck by Stacie Orrico


Hay buhay...

Bakit ba laging hindi sapat ang mga mayroon ka sa buhay?

Oo nga't mayroong makakain, matitirahan, magagastos, subalit palaging kulang pa rin. Kailan nga ba matatagpuan ang kaligayahang tatapatan ang lahat ng iyong naisin? Mayroon nga bang ganito o isa lamang itong guni-guning pumupuno sa walang katapusang pagiging sakim ng tao? Ito ba ay isang malayong pangarap o isang ilusyong nagdadala ng mapanlinlang na pag-asa?

Sa bawat biyayang natatanggap, napapangiti tayo at nagpapasalamat sa Poong Maykapal. Subalit, makaraan ang isang oras o limang minuto, nalilimutan na natin ang pangyayari at naghahanap nanaman tayo ng mas magagarang bagay. Hindi ba't ito ang totoong nangyayari sa ating mga buhay?

Mayroon bang hangganan ang ating tila walang katapusang mga kagustuhan?

O patuloy lang tayong gumagalaw sa bawat araw na magdadaan, magtratrabaho, magsisikap at susubuking abutin ang mga bituin kahit kailan ma'y hindi natin maaangkin?

0 comments:

 
Header image by Flóra @ Flickr