Tuesday, June 24

Paglisan

Paglisan

Sa iyong paglisan, puso ko'y nalulumbay
Nag-aalala sa iyong paglalakbay.
Nawa mga pangarap iyong matamo
Ang mga pagkakataon, nasa kamay mo.

Sa mga oras ng hirap at pag-iisa
Huwag na huwag kang padadala.
Sapagkat sa bawat daan na iyong tatahakin
Kasa-kasama mo ang aking panalangin.

Ang mga yapak na iyong iiwan
Sa akin magsisilbing mga palatandaan.
Sa mga oras na ating pinagsamahan
Sa kalungkutan man o sa kaligayahan.

Sa iyong paglisan, lagi mo lamang tatandaan.
Hinding-hindi kita malilimutan, kaibigan.


I wrote this when our maid who I really treasured as a friend left.
 
Header image by Flóra @ Flickr